DOTr, umaasang maglalaan ng hiwalay na pondo ang Kongreso para tuloy-tuloy ang Libreng Sakay program sa EDSA Bus Carousel sa susunod na taon

Nakadepende sa Kongreso ang pagpapalawig pa ng libreng sakay sa mga pampublikong bus o ang EDSA Bus Carousel program.

Sa ambush interview kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na wala silang pondo para dito sa susunod na taon.

Hanggang Disyembre ngayong taon na lamang kasi ang libreng sakay sa EDSA carousel.


Ayon sa kalihim, naghayag kamakailan ang Kongreso na suportado nila ang Libreng Sakay program upang maibsan pa rin ang pasanin ng mga pasahero sa gitna ng mataas na presyo ng langis, pagkain at iba pang bilihin.

Kaya umaasa si Bautista na maglalaan ng hiwalay na budget ang kongreso para sa pagpapatuloy ng Libreng Sakay program sa susunod na taon.

Facebook Comments