Dr. Leachon, ikinalungkot ang pagbibitiw bilang special adviser for non-communicable diseases ng DOH

Courtesy: Department of Health

Kinumpirma ni Dr. Anthony Leachon ang kaniyang pagbibitiw bilang special adviser for non-communicable diseases ng Department of Health (DOH).

Sa mensaheng ipinadala ni Dr. Leachon, sinabi nito na ipinadala niya ang liham kagabi.

Dagdag pa ni Leachon na ikinalungkot niya ang desisyon pero kailangan niya itong gawin batay sa masusing pag-aaral sa pinakamabuti para sa sarili, pamilya at kaniyang hinaharap.


Hindi naman idinetalye ng doktor kung ano ang pinaka-dahilan ng kaniyang pagbibitiw.

Pero tiniyak ni Dr. Leachon na isang health reform advocate na handa pa rin siyang tumulong sa sinuman at anuman oras.

Matatandaan na si Dr. Leachon ay dating adviser ng Task Force on COVID-19 ng gobyerno bago ito napunta ng DOH.

Facebook Comments