Drug abuse prevention program para sa Grades 7-12, isinulong sa Senado

Isinulong nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senador Sherwin Gatchalian na maging bahagi ng mga subject ng Grades 7 hanggang 12 ang drug abuse prevention program.

Nakapaloob ito sa Senate Bill No. 2236 o ang Drug Abuse Prevention Program in Basic Education Act na inihain nina Gatchalian at SP Sotto na sumasaklaw sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa ilalim ng basic education.

Tatalakayin sa panukalang programa ang negatibong epekto ng paggamit at pag-abuso sa iligal na droga, kung paano ito maiiwasan at ang mga maling paniniwala hinggil sa paggamit nito.


Kasama din dito ang mga aspetong pangkalusugan, sikolohikal, ligal, at pang-ekonomiya na pang-aabuso sa droga gayunin ang paggamot at rehabilitasyon.

Sa ilalim ng panukalang batas, makikipag-ugnayan ang Department of Education (DepEd) sa Department of Health (DOH), Dangerous Drugs Board at iba’t ibang non-governmental organizations upang paigtingin ang pagpapatupad ng drug abuse prevention program.

Magiging mandato rin ng mga ahensyang ito ang pagbibigay ng training courses sa mga guro para sa drug abuse prevention.

Facebook Comments