DSWD-CAR, patuloy na mino-monitor ang galaw ng Bagyong Goring

Patuloy na mino-monitor ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office sa Cordillera Administrative Region ang kanilang regional operations center bilang paghahanda sa Bagyong Goring.

Ayon sa DSWD, nakahanda na sila sa nakaambamh epekto ng sama ng panahon kung kaya sinusubaybayan nila ang galaw at epekto ng bagyo sa rehiyon.

Dagdag pa ng ahensya, nasa higit 29,000 na family food packs ang nakahanda na sa para sa Abra, Mount Province, Apayao, Kalinga at Benguet.


Samantala, may nakalaan ding 22,683 halaga ng non-food items ang DSWD at 4,437,218 na available standby funds para sa maapaketuhan ng bagyo.

Facebook Comments