DSWD, nagpadala na ng tulong sa Taal evacuees

Nagpadala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) nga suplay ng pagkain at tents sa mga residenteng lumikas kasunod ng pagputok at patuloy na pag-aalburoto ng Taal Volcano.

Sa ulat ng DSWD, may 5,000 family food packs ang naihatid na sa Batangas Sports Complex Grand Stand.

Ayon sa DSWD, 2,000 family food packs at 300 tents naman ang ipinadala sa munisipalidad ng Laurel, Batangas.


Nasa 1,000 at 500 family food packs ang dinala sa bayan ng Agoncillo.

Sa ulat ng Batangas-Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), may 13 barangay sa limang bayan ng Batangas ang naapektuhan ng phreatomagmatic eruption ng Bulkang Taal nitong nakalipas na mga araw.

Facebook Comments