Kinumpirma ng isang opisyal ng DOH na hindi muna agad mapapakinabangan ang 1.5 milyon dose ng Sinovac vaccine na dumating alas-8:00 kaning umaga.
Ayon kay DOH Procurement and Supply Chain Management Team Dr. Ariel Valencia, inaantay pa kasi nila ang certificate of analysis (COA) bago maipamahagi ang bakuna.
Aniya, ang gumawa ng bakuna ang maglalabas ng COA at ito ay dapat guided ng Food and Drug Administration (FDA) para matiyak ang kalidad ng bakuna bago ito maipamahagi.
Sinabi ni Valencia na posibleng tumagal pa ng isang linggo bago mailabas ang COA.
Facebook Comments