Malayo sa authoritarian regime ang tinatamasa ngayon ng Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo matapos bumaba ang global ranking ng Pilipinas sa mga bansang mayroong best democracy.
Ang Pilipinas ay bumaba sa ika-55 pwesto sa 167 bansa pagdating sa estado ng demokrasya sa buong mundo para sa taong 2020, ayon sa London-based think tank Economist Intelligence.
Sinabi ni Panelo, na patuloy na itinataguyod ng pamahalaan ang pagkakaroon ng “more vibrant democracy” sa pamamagitan ng paggalang sa lahat ng boses ng mamamayan at pagsusulong ng civil liberties.
Ang nasabing pag-aaral aniya ay binabase sa kung paano rumeresponde ang gobyerno sa kasalukuyang pandemya.
Nakatuon si Pangulong Duterte sa kalusugan ng publiko, kaya nililimitahan niya ang galaw ng mga tao para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Hindi hihinto ang gobyerno sa pagpapatupad ng mga hakbang at polisiya na nakadisensyo para sa masiglang demokrasya.