Ayon kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda, base sa kasaysayan ay posibleng abutin ng 45 hanggang 110 araw bago aktuwal na pumutok o kumalma ang Bulkang Mayon.
Bunsod nito ay hinihingi ni Salceda sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, habaan ang pasensya at tibay sa pagbibigay ng tulong at paglilikas sa mga apektado ng sitwasyon.
Kailangan ding paghandaan ng pamahalaan ang epekto nito sa ekonomiya.
Ayon kay Salceda, ngayon pa lang ay nasa 5,000 mga magsasaka na ang apektado ng nagpapatuloy na evacuation efforts at pag-aalburuto ng bulkan.
Kaugnay nito ay iminungkahi ni Salceda ang implementasyon ng cash for work program at iba pang economic displacement support mula Department of Labor and Employment (DOLE).
Facebook Comments