Maaari ng makita ng malapitan ng mga Katolikong Deboto ang mga mahahalagang gamit na ginamit mismo ng mga Santo Papa na dumalaw sa Pilipinas.
Itoy matapos buksan ng Manila Cathedral sa publiko ang exhibit na “The Popes in the Philippines” para kina St. John Paul IV, St. John Paul II, at St. Francis.
Kabilang sa mga masisilayan sa naturang exhibit ay ang mga damit na isinuot na ng Santo Papa, sasakyan, mga Kalis, at larawan ng misa sa Pilipinas.
Nagsimula ang exhibit kahapon at Tatagal naman hanggang sa bukas, July 2, 2023.
Facebook Comments