Face-to-face campaign para sa 2022 national elections, malaking banta sa harap ng pandemya – Galvez

Aminado si National Task Force Against COVID-19 na magiging malaking hamon at peligro ang face-to-face campaigns para sa 2022 national elections sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay NTF Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr, nakikipag-ugnayan na sila Commission on Elections (COMELEC) para talakayin ang mga polisiya sa darating na halalan.

“Talaga pong nakikita po natin na malaki po iyon na challenge at risk, iyong magkakaroon po ng mga face-to-face na crowd gathering. Nakikita po natin na iyong pangangampanya po it will enhance iyong close contact with different people,” sabi ni Galvez.


Una nang sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na plano nilang ipagbawal ang harapang pangangampanya para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments