Kaliwa’t kanang batikos mula sa netizens ang inabot ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista sa paggamit kay Kris Aquino sa kanyang pagkandidato bilang senador.
Trending din ang hashtags na #NoToUser at #NoToHerbert na ginamit nila sa pagbira kay Bautista.
Kamakailan ay nagpost sa Twitter si Bautista kay presidential candidate Ping Lacson.
“Mr. President Ping @iampinglacson, na-inspire rin tuloy akong mag-propose. Kaso, sayang… may napili na po sya. #TOTGA #KungMaibabalikKoLang,” ayon kay Bautista.
Naniniwala ang mga netizen na si Kris ang pinatutungkulan niya, napabalita na kinumpronta ni Mel Sarmiento ang boyfriend ni Kris na si Bautista tungkol kay Kris.
Noong Nobyembre 20, nagpost sa Facebook si Kris at sinabing, “After 7 years of trying but not succeeding, siguro naman kilala mo na ang ugali ko. Kaya kong dumedma kung ako ang ginagamit o naaapakan BUT foul when it’s someone i love & value (in this instance my very soon to be husband na hindi ka naman ginulo o inagrabyado) then papalag ako. I totally agree with what he said especially because sa survey na nakita ko, within striking distance ka na sa Magic 12- so there’s no need to use our past to gain attention.”
Umani naman ng batikos si Bautista.
“A huge lessons to Bautista if he wants to run for a seat in Senate pls not Used Ms.Aquino at his ezpense,,,Ur right Mr.Mel,,,,Ms Kris should not be dragged by Bautista for him to be gain vote,” ayon sa isang komento ng netizen na si Choi Tiaba sa Facebook account ni Kris.
Ayon kay netizen Mahlee Batol-Oconer, “One will use someone’s name just so mapag usapan sya. Wala kasing ingay, kulang kasi sa pansin. By standing for his fiance’, napatunayan ni Sec. Mel how honorable he is and truly the answer to our prayers for Ms. #KrisAquino. Salamat Sec. Mel. Congratulations to the both of you.”
“It is really ungentle man of Mr. Bautista to talk of past. with due respect to the woman & every woman should be accorded due respect. What happened before should not opened again for public consumption. With regards to the woman please keep mum about the past,” sabi naman ni Marilou Libang.
Nagpayo si Violeta De Guia na, “To Mr Mel and Kris, dedmahin nyo na Lang ang taong yon, he’s not worth your time and attention. Just be focused on each other.”
“Herbert Bautista is an opportunist, not really a gentleman too,” wika ni Nitz Diamante.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Kris na “To the man Mel confronted, mahaba ang pinagsamahan natin. Sana wag mo na lang baguhin pa ang kwento? July 21, bilang respeto sana naman natatandaan mo yung sinulat ko sa birthday/goodbye gift letter na personal kong inabot sayo nung May 12, 2021- nasabi ko dun “we both deserve our versions of ME AFTER YOU” kaya nung alam na ng puso ko that it was Mel, I messaged you to ask if we could talk. Right away ikaw ang tumawag. Magaan ang usapan BUT I did tell you, BEFORE I told anybody else, that my version of ME AFTER YOU had already begun.”
Dagdag niya, “It’s common knowledge that you’re now in a new relationship with a beautiful girlfriend… so if you need to talk about your love life, please talk about your present, not your past. Trust in yourself, that your track record is more than enough to get you elected and have enough faith in the wisdom of the Filipino voters.”