Tinitiyak nina presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson at vice-presidential candidate at Senate President Vicente “Tito” Sotto III na mahalagang tiyaking “fat-free” ang mga susunod na pambansang budget para makabangon ang bansa mula sa epekto ng pandemya.
Dahil dito, ipinahayag nina Lacson-Sotto tandem ang kanilang suporta sa fiscal consolidation plan ng National Economic and Development Authority (NEDA) para sa susunod na administrasyon.
Pinatungkulan nina Lacson-Sotto tandem ang halos ₱328 bilyon sa budget na hindi nagamit kada taon mula 2010 hanggang 2020 dahil sa kakulangan ng tamang pagpaplano at ₱700 bilyon na nasayang kada taon dahil sa korapsyon base sa pahayag ni dating Deputy Ombudsman Cyril Ramos.
Kasalukuyang gumagawa ang NEDA ng plano upang mabayaran ang lumolobong utang ng bansa at paliitin ang budget deficit dulot ng pandemya.
Ayon kay Socioeconomic Planning Undersecretary Rosemarie Edillon, kasama sa plano ang panukalang pagbawas sa mga non-priority budget item.
Nakaangkla ang plataporma ni Lacson at Sotto sa pagsasaayos ng mga problema sa pamahalaan o “Aayusin ang Gobyerno, Aayusin ang Buhay ng Bawat Pilipino” at pagpapanagot sa mga tiwali sa gobyerno o “Uubusin ang Magnanakaw.”
Kabilang sa mga reporma nila ang pagkakaroon ng zero-based budgeting system at kombinasyon ng mahigpit na fiscal discipline at leadership by example.