Hindi na muna papayagang makapasok sa Japan ang mga non-resident foreign nationals bilang paghihigpit sa borders nito matapos na ma-detect sa bansa ang new variant ng Coronavirus.
Epektibo ang ban simula bukas, December 28 na tatagal hanggang sa buong buwan ng Enero.
Papayagan namang makapasok ang mga Japanese citizens at foreign residents pero kailangan nilang makapagpakita ng negative coronavirus test 72 oras sila bumiyahe pauwi ng Japan at isasailalim sila sa dalawang linggong quarantine.
Biyernes nang maiulat ang kauna-unang kaso ng new variant sa Japan sa mga pasaherong galing sa Britain.
Facebook Comments