Former DND Sec. Lorenzana, nagpasalamat kay dating Pangulong Duterte sa pagtitiwala sa kanya na pamunuan ang Tanggulang Pambansa

Lubos na nagpapasalamat si former National Defense Secretary Delfin Lorenzana kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay makaraan siyang pagkatiwalaan nito na pamunuan ang Tanggulang Pambansa.

Ayon kay Sec. Lorenzana, wala siyang pinagsisihan at naniniwala itong lumaban siya ng tama, patas at tinawag pa nitong exciting, challenging at personally rewarding journey ang pagiging ika-36 na kalihim ng DND.


Sinabi pa nito na nais niyang mag-iwan ng legasiya at tumatak bilang Secretary of Defense.

Nabatid na sa nakalipas na 6 na taon, na develop at na modernized ang Tanggulang Pambansa.

Kabilang sa mga nadagdag sa kanilang assets ay ang 2 multi-role guided missile frigates; six units ng close air support aircraft; 16 units ng Black Hawk combat utility helicopters; air surveillance radars, drones, missile systems, at iba pang force protection and weapons systems na makapagpapalakas ng ating defense system.

Facebook Comments