Dapat na maghinay-hinay pa rin sa pagluluwag ng alert level sa Metro Manila.
Ito ang sinabi ni OCTA Research Team fellow Dr. Butch Ong sa kabila ng bumababang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Ong, dapat ay mapanatili munang mababa ang kaso ng COVID-19 bago ibaba sa Alert Level 2 ang rehiyon.
Dagdag pa ni Ong, dapat ding bantayan ng pamahalaan ang B.1.1.318 COVID-19 variant matapos na maitala ang unang kaso nito sa Pilipinas.
Pero tingin niya, mahina lamang ang nasabing variant hindi gaya ng Delta variant na mas mabilis makahawa.
Gayunman, iminungkahi ni Ong sa pamahalaan na tutukan ang international at domestic travel ng mga Pilipino para matiyak na hindi magkakaroon panibagong COVID-19 surge.
Facebook Comments