Grade 9 student nakunan ng baril

Nahulihan ng hindi lisensyadong baril ang isang 14-year-old grade 9 student sa Takepan National High School sa Barangay Takepan, Pikit, Cotabato.

Sa ulat mula sa 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion, nagsasagawa ang militar ng security operations sa Takepan Public Market nang mahuli nila ang bata na may bitbit na 5.56mm pistol na agad dinala sa Pikit Municipal Police Station.

Ayon kay Lt. Col. Rowel Gavilanes, Commanding Officer ng 90IB, nabahala ang mga awtoridad, guro at mga magulang ng nasabing paaralan dahil sa naturang insidente.


Aniya, nagdagdag na sila ng tauhan sa nasabing paaralan at agad nakipag-ugnayan sa school administration.

Inaalam na rin ng mga awtoridad kung papaanong nagkaroon ng armas ang bata at tinutukoy na rin kung may iba pang taong sangkot dito.

Facebook Comments