Ipinagtanggol ng isang grupo ng mga abogado si Atty. Larry Gadon kasunod ng pagkaka-disbar sa kaniya ng Supreme Court (SC).
Sa isang press conference, sinabi ni Atty. Mark Tolentino, isa sa abogado, na wala pang natatanggap na kopya ng resolusyon ng SC si Gadon. Kinukwestyon din niya ang agad na pag-post ng SC sa disbarment resolution.
Sa ngayon, isa sa legal na remedyo ni Gadon ay ang paghahain ng motion for reconsideration.
Sa ilalim ng rules of court aniya, nananatili ang confidentiality o private ng desisyon hangga’t hindi pinal ang desisyon.
Sinisilip din ng mga abogado ang kawalan ng formal complaint na naihain ni Raissa Robles.
Ang pinagbatayan lang ng SC ay isang liham na inihain ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).
Dagdag ni Tolentino, ang mga batikos ni Gadon kay Robles ay nangyari sa panahon ng kampanya bilang dipensa kay Pangulong Bongbong Marcos.
Tinawag din na irrelevant ni Tolentino ang disbarment sa pagkakatalaga kay Gadon bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation.
Aniya, ang mahalaga ay ang pagtitiwala sa kaniya ng pangulo.