Grupo ng mga deboto ng Itim na Nazareno, handang iatras ang kaso laban kay Pura Luka Vega kung ito ay hihingi ng tawad

Handang iatras ng mga deboto ng Itim na Nazareno na Hijos del Nazareno Central ang kanilang reklamo laban sa drag queen na si Pura Luka Vega kung siya ay personal na hihingi ng tawad.

Ayon kay Alex Irasga, technical adviser ng Hijos del Nazareno Central na tao lamang din sila at handang magpatawad kung buong puso na lalapit sa kanila ang drag queen na si Amadeus Fernando Pagente o kilala si Pura Luka Vega.

Una nang sinampahan ng grupo sa Manila Prosecutors Office ang drag queen ng paglabag dahil sa paglapastagan sa Itim na Nazareon sa isa niyang performance sa bar.


Magugunitang maraming mga lugar na rin sa bansa ang nagdeklara sa nasabing drag queen ng persona non grata dahil sa ginawa nito.

Facebook Comments