Greenpeace Philippines, ipinakita ang larawan na bakas ng langis na nakita sa bahagi Manila Bay-Roxas Boulevard

Inilabas ng grupong Greenpeace Philippines ang larawan na bukod sa ilang bahagi ng Bulacan at Bataan, may nakita nang hinihinalang bakas ng langis kahapon sa Manila Bay na bahagi ng Roxas Boulevard lungsod ng Maynila.

Sa impormasyon na inilabas ng grupo, hindi pa naman umano matukoy at makumpirma kung ito galing sa MT Terranova na lumubog sa Limay, Bataan na may kargang 1.4 million liters ng langis.

Anila, tugma ito sa unang forecast ng University of the Philippines – Marine Science Institute o UP-MSI na posibleng umabot sa Metro Manila ang oil spill sa Bataan ng Hulyo 30.


Giit pa ng grupo, dapat panagutin ng pamahalaan ang may-ari ng lumubog na barko at langis at dapat ay maging transparent ang pamahalaan sa plano kung paano pipigilan ang pagkalat ng oil spill sa karagatan.

Facebook Comments