Hindi payag ang grupong Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) sa balak ng gobyerno na bigyan ng subsidiya ang Public Utility Vehicle (PUV) para makapagbigay ng discount sa pasahe sa mga pasahero sa loob ng isang buwan.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni LTOP President Orlando Marquez na mas maiging ilaan ang pondo sa PUV Modernization Program.
Aabot sa nasa P1.285 bilyong pondo ang inilaan ng gobyerno para sa fare discount sa taong 2023.
Sinabi ni Marquez na masyadong maliit kasi ang diskwento sa pamasahe.
Nangangamba pa si Marquez na makatitikim ng mura si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lalo’t isang buwan lang naman na tatagal ang diskwento sa pasahe.
Sa ngayon, nasa P12 ang pamasahe sa jeep at kapag naipatupad ang fare discount, magiging P9 na lamang ang pasahe.