Ibinulgar ng grupong Manibela ang matinding talamak na umano sa loob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maglalagay kung gustong magbigay ng prangkisa.
Sa ginanap na press conference sa UP Hotel sa Quezon City, sinabi ni Manibela Chairman Mar Valbuena na mariin nitong kinondena ang umano’y korapsyon sa Department of Transportation (DOTr), LTFRB at ibang mga government official na sangkot sa ‘di umano’y pagpapatupad ng PUV Modernization Program.
Paliwanag pa ni Valbuena, kumpleto umano sila sa mga dokumento na nagpapatunay na mayroong nangyayaring korapsyon sa LTFRB.
Ibinulgar naman ni dating Executive Assistant Jeff Gallos na talamak umano ang korapsyon sa LTFRB mula DOTr hanggang Malakanyang pero ang payo sa kanyang abogado at hindi muna siya magsasalita habang hindi pa siya magsasampa ng kaso sa Ombudsman.
Binigyang diin pa ni Gallos na kaya umano hindi lumutang at ibulgar ang korapsyon umano sa LTFRB dahil sa gusto na nitong itama ang mali nangyayari sa loob ng ahensiya.