Pumalo na sa 20.17 million pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura matapos ang mga pagbabaha sa Ifugao dahil sa hanging habagat.
Batay sa datos ng Department of Agriculture, katumbas ito ng 928 metric tons ng produsyon dahilan para maapektuhan ang 783 na magsasaka at 356 ektarya ng agricultural land.
Labis na tinamaan dito ang mga high-value crops na aabot sa 10.11 million pesos ang tinamong pinsala habang pumangalawa ang bigas na nakapagtala ng 8.34 million pesos na halaga ng danyos.
Tinatayang nasa 1.71 million pesos naman ang naitalang pinsala sa livestock kung saan 83 baboy ang nasawi sa pagbaha.
Dahil dito ay tiniyak ng DA ang pagtulong nito sa mga magsasaka upang makabangon sa pagkakasira ng kanilang pananim.
Facebook Comments