Halagang kakailanganin sa pagkukumpuni ng mga nasirang paaralan dahil sa lindol, pumalo na sa 1.3 bilyong piso ayon sa DepEd

Kinakailangan ng halos 1.3 bilyong piso upang makumpuni at maayos ang 226 paaralang nasira ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra noong Miyerkules.

Mula ito sa 940 million pesos na initial assessment ng Department of Education (DepEd) at batay sa huling update ay nasa 1.298 bilyong piso na ang kakailanganin para sa reconstruction ng mga totally at partially major damaged classrooms sa Luzon.

Lumalabas din sa Disaster Risk Reduction and Management Service data na 132 dito ay galing sa Cordillera Administrative Region (CAR), 49 naman sa Ilocos Region, 25 sa Cagayan Valley; 18 sa Central Luzon at tig-isa sa Calabarzon at National Capital Region (NCR).


Mababatid na sinisilip ng DepEd ang pagtayo ng temporary learning spaces (TLS) sa mga paaralan na nasira ng lindol habang ang mga ito ay inaayos pa.

Facebook Comments