Halos 100,000 turista, bumisita sa Palawan

Masayang inanunsyo ng Palawan Provincial Tourism Office na unti-unti nang nagbabalik sigla ang turismo sa Palawan.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Palawan Provincial Tourism Officer Maribel Buñi na simula noong magluwag ang travel restrictions ay bumibisita na ulit ang mga turista sa lalawigan, ito man ay lokal o dayuhan.

Sa katunayan ayon kay Buñi, simula nitong Mayo ay nasa halos 100,000 na ang nagbakasyon sa Palawan.


Sa ngayon din aniya ay nasa 15 flights na ang byahe papuntang Palawan.

Kasunod nito, umaasa si Buñi na tataas pa ang bilang ng mga magtutungo sa Palawan upang makabawi ang kanilang turismo.

Nananatili sa Alert Level 2 ang Palawan at para sa mga magbabakasyon doon ay kinakailangan lamang iprisinta ang vaccination card.

Facebook Comments