Friday, March 13, 2026

Halos P27-m na halaga ng shabu natagpuan sa abandonadong parcel sa NAIA Cargo Facility

Naharang ng mga otoridad ang parcel na may lamang shabu na nagkakahalaga ng halos P27 million.

Ayon sa Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) , nag-ugat ang pagkakasabat sa iligal na droga sa initial screening na isinagawa ng mga personnel ng Bureau of Customs (BOC) gamit ang cargo X-ray equipment.

Tumambad sa mga otoridad Nv 3,962 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P26,941,600.

Lumalabas na nagmula ang naturang parcel sa Blantyre, Malawi at naka-address sa isang consignee na taga-Pasig City.

Ang shipment ay nanatiling unclaimed kaya idineklara itong abandonadong parcel.

Itinurnover naman sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang kontrabando para sa disposition at imbestigasyon.

Facebook Comments