Nasa 669,000 halaga ng mga umano’y pekeng pera ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Capiz.
Sa kabila ito ng ipinatutupad na money ban dahil sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections para maiwasan ang pamimili ng boto.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nakatanggap ng tip ang Roxas City Police kaya pinuntahan nila ang Teodoro Arcenas Trade Center (TATC) sa Barangay VIII.
Dito na nakumpiska sa sasakyan ang mga fake money at P4,170 na totoong pera.
Pero sabi ni Garcia, hindi ito pwedeng maisama sa “kontra-bigay” ng ahensiya dahil wala namang nakitang campaign paraphernalia.
Isasailalim naman sa verification ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga nakumpiskang pera habang kinumpiska na rin ng mga awtoridad ang sasakyan.
Kasalukuyang umiiral ang money ban mula October 28 hanggang October 30 kung saan bawal ang pagdadala ng salapi na may halagang kalahating milyong piso pataas.
Exempted lamang dito ang mga cashier at disbursing officers.