High value target ng PDEA, timbog; mahigit 700-K halaga ng shabu nakumpiska

Arestado ang isang high value target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang operasyon sa Dela Fuente St., Barangay Gabon, Abucay, Bataan.

Sa bisa ng isang search warrant, inaresto ng mga anti-narcotic operatives ng PDEA ang isang Ishad dela Fuente na nasa talaan ng PDEA na high-value-target.

Ayon kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, si Dela Fuente ay matagal nang isinailalim sa surveillance matapos magbigay ng tip ang isang concerned citizen sa nasabing barangay.


Nasamsam kay Dela Fuente ang isang large knot tie plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may may bigat na 104 gramo at sari-saring naka-sachet na shabu na may kabuuang halaga na P731,200.00.

Ito ay joint operation ng PDEA Bataan, PDEA Bataan Seaport Interdiction Unit at iba pang drug law enforcement agencies.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments