Binigyang-diin ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na nasa ₱2.5 bilyon na ang nailabas na pondo ng pamahalaan para sa COVID allowance ng mga healthcare worker.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Vergeire na ang nailabas na budget ay para lamang sa taong ito at naipamahagi na sa higit 207,000 mga healthcare worker.
Dagdag pa ni Vergeire na nakapag-transfer na rin ang gobyerno ng pondo sa mga pribadong ospital at kung mayroon mang hindi pa nakatatanggap ng allowance ay nangangailangan lamang aniya na makapag-sumite ng requirements tulad ng Memorandum of Agreement (MOA) sa mga private hospitals.
Kailangan lamang maisaayos at maisumite ng kumpleto ng sa gayon ay mai-release ang nasabing incentives sa mga health care workers.
Una nang sinabi ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAPi) na karamihan sa mga kasapi nilang ospital ay hindi pa natatanggap ng One COVID-19 Allowance (OCA) para ngayong 2022.
Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa higit 180,000 medical health workers pa ang hindi nabibigyan ng allowance na karamihan ay mula sa Local Government Units (LGUs) at pribadong ospital.