
Umaabot na lamang sa 602 na pamilya ang nananatili sa evacuation centers sa lungsod ng Caloocan.
Katumbas ito ng 2,344 na indibidwal kung saan pansamantala itong nanunuluyan sa 30 evacuation site.
Sa abiso ng Caloocan Public Information Office, maraming pamilya na rin ang nag-uwian matapos na humupa ang baha.
Ang mga pamilya na nananatili sa evacuation center ay binigyan ng kaukulang medical service upang hindi magkasakit.
Kabilang dito, ang pamamahagi ng vitamins A capsules, micronutrients powder, at deworming tablets.
Isinagawa rin ang counselling at namahagi ng mainit na pagkain at food packs kung saan isinailalim sila medical check-ups upang masigurong nasa maayos na kalagayan ang kalusugan.
Facebook Comments









