Simple pero espesyal.
Ganito inilarawan ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza ang gaganaping huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Mendoza, bukod sa pagtiyak sa kaligtasan ng mga dadalong bisita at staff sa SONA, tinitiyak ng Kamara na magiging makabuluhan ang karanasan ng mga personal na lalahok at ang iba pang panauhin gayundin ang publiko na manunuod sa kanilang mga tahanan.
Sa main building ng Batasan Complex ay mayroong ilalatag na exhibits na magpapakita ng mga achievements ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama rin dito sina Speaker Lord Allan Velasco at ang iba pang myembro ng Mababang Kapulungan.
May inihandang LED wall sa labas ng Kamara na magpapalabas ng livestream ng buong SONA.
Ipapalabas din dito ang isang video presentation ng mga kongresista kung saan ipinapakita ang mga programa at proyekto na ipinatupad sa kanilang mga distrito.
Aniya, ang inisyatibong ito ay ideya ng Speaker bilang pagpapakita ng pasasalamat at pagkilala sa “hard work” at dedikasyon ng Duterte administration.