Bagama’t malaki ang epekto sa mga pasahero, nirerespeto ng grupong The Passenger Forum ang ikinasang isang linggong tigil-pasada ng ilang Transport groups simula sa Marso a-sais.
Umapila sa gobyerno si Primo Morillo, ang Convenor ng The Passenger Forum na konsultahin ang lahat ng maapektuhan ng PUV Modernization at gumawa ng mga hakbang na papabor naman sa lahat.
Isa sa nakikitang suhestyon ng grupo ang posibleng pagbibigay ng mas mataas na subsidiya para umusad nang maayos ang naturang programa.
Nilinaw ni Morillo na hindi sila tutol sa modernization program pero dapat masiguro na walang madedehadong sektor.
Facebook Comments