Ilang barangay na itinuturing na flood prone areas sa Quezon City ang binaha dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan dala ng Habagat na pinag-iibayo ng Bagyong Henry.
Batay sa monitoring ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), tumaas ang baha sa Barangay Sto. Domingo, habang hanggang baywang ang tubig baha sa mga sumusunod na barangay:
Talayan
Bagong Silangan
Matandang Balara
Doña Imelda
Roxas
South triangle
Hindi naman na madaanan sa lahat ng uri ng sasakyan ang Banawe kanto ng Retiro, Retiro corner Don Jose, Sto.Domingo corner Maria Clara at BNR/Retiro na gutter deep ang tubig baha.
Facebook Comments