
Sama-sama na nagkaisa ang ilang kandidato sa lokal na posisyon sa Maynila para labanan ang vote buying at vote selling ngayong 2025 midterm elections.
Pinangunahan ng Commission on Elections (Comelec), Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), City Social Welfare at iba pang ahensya ang nasabing aktibidad.
Ilan sa mga pumirma sa manifesto ay sina dating Manila Mayor Isko Moreno at mga nasa line-up nito, kinatawan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, Cong. Sam Versoza at iba pa.
Sa naturang manifesto, kapwa nangako ang mga kandidato sa lungsod ng Maynila na lalabanan ang anumang uri ng pamimili at pagbebenta ng boto.
Tiniyak nila na gagawin nilang patas, malinis at payapa ang halalan sa Maynila ngayong darating na Mayo.