Ilang lugar sa NCR, nasa ‘moderate risk’ na sa COVID-19

Itinaas na sa moderate risk sa COVID-19 ang limang lugar sa Metro Manila, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tumaas ng 200% ang mga kaso sa Lungsod ng Pasig, San Juan, Quezon, At Marikina, gayundin ang munisipalidad ng Pateros.

Dagdag pa niya, may isang lugar sa rehiyon ang may higit 50% nang paggamit ng ospital, at kung sakaling maging moderate risk ang buong Metro Manila, ilalagay ito sa Alert Level 2 na nangangahulugang mas istrikto ang mga restriksyon sa galaw ng mga tao.


Gayunman, hindi niya nakikita ang pagtataas ng alert level sa ngayon dahil mababa pa naman aniya ang mga naia-admit sa mga ospital sa buong National Capital Region (NCR).

Facebook Comments