Ilang mga incoming cabinet, inilatag ang kanilang mga tutukan sa Marcos administration

Hihikayatin ni incoming Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang mas maraming manggagawa na manatili sa Pilipinas sa halip na magtrabaho sa ibang bansa sa ilalim ng administrasyon ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Bagama’t mas malaki ang kita sa ibang bansa, sinabi ni Laguesma tututukan niya ang local employment.

Aniya, ang kaniyang misyon ay mag-promote at lumikha ng mas maraming oportunidad para magkaroon ang mga manggagawa ng opsiyon na manatili kasama ang kanilang pamilya.


Ayon naman ni incoming Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na mayroon mali sa sistema ng pagha-hire ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa.

Paliwanag ni Ople, nais niyang suriin ang buong sistema nito at bakit nahihirapan ang mabubuting employer na makakuha ng mga Pilipino kumpara sa masasamang employer na mabilis na nakakapag-hire ng mga OFW.

Samantala, bukas naman si Cavite Rep. Jesus Crispin Remulla na repasuhin ang kasong nakasampa laban kay Sen. Leila de Lima matapos umatras ang mga testigo laban dito.

Paliwanag ni Remulla ang pag-atras ng mga testigo ay isang “cause of concern.”

Facebook Comments