Ilang mga PUV driver na nais maturukan ng booster shots, maagang pumila sa bagong Ospital ng Maynila

Photo Courtesy: Radyoman Emman Mortega

Maagang pinilahan ng mga driver ng Public Utility Vehicle (PUV) ang kabubukas pa lamang na drive-thru booster vaccination sa Bagong Ospital ng Maynila.

Partikular na pumila dito ay pawang mga tricycle at e-trike drivers na bumibiyahe sa lugsod ng Maynila.

Nabatid kasi na nais ng mga driver na ito na mabakunahan na ng booster shots kontra COVID-19 hangga’t mayroon silang pagkakataon upang magkaroonng proteksyon sa sakit.


Bukas ang nasabing booster vaccination sa lahat ng PUV drivers kahit pa hindi residente ng lungsod kung saan nasa 1,000 doses ng bakuna ang inilaan dito ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Bukod sa mga nasabing tsuper ng PUV, maaari rin nilang isama ang bawat miyembro ng kanilang pamilya na nais maturukan ng booster shots.

Nagsimula ang pagbabakuna ng alas-8:00 ng umaga na magtatagal ng alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments