Nanatiling stranded ang ilang mga sasakyang pandagat sa mga pantalan sa may bahagi ng Southern Tagalog.
Ito’y dahil sa epektong dulot ng Bagyong Maring.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa tatlong pasahero, limang na vessels, 10 na motorbancas at dalawang rolling cargoes ang stranded sa ngayon.
Partikular na stranded ang mga ito sa Real Port, Dinahican Port at Polillo Port sa lalawigan ng Quezon.
Bukod dito, nasa 3 iba pang vessels at 7 motorbancas ang pansamantalang nananatili o nakikisilong sa iba pang pantalan.
Patuloy naman naka-monitor ang PCG sa iba pang pantalan habang papalabas ng bansa ang Bagyong Maring.
Facebook Comments