Ilang sa mga nasagip na street dwellers ng MDSW, nahulihan ng droga

Dalawang indibidwal ang nasakote ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) na gumamit ng droga sa ikinasa nilang rescue operation.

Ang mga nasabing indibidwal ay pawang mga street dwellers na nasagip ng MDSW sa magdamag nilang operasyon sa Ermita.

Dadalhin ang mga nahuling gumamit ng shabu at marijuana na pawang lalaki’t babae sa Manila Police District Station-5 kung saan ang anim na iba pa na nasagip ay kasalukuyan nasa tanggapan ng MDSW sa Arroceros.

Isasailalim ang anim na iba pa sa profiling saka dadalhin sa Manila Boystown sa Marikina.

Bukod sa kanila, may walong iba pa ang nasagip rin ng MDSW sa Liwasang Bonifacio na karamihan ay ginawa ng tahanan ang naturang parke.

Ang mga menor-de-edad naman na na-rescue sa operasyon ay pinauwi sa kanilang tahanan saka binigyang babala at paalala ang kanilang mga magulang.

Facebook Comments