Ilang senador, pabor na tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC

Ilang senador ang nanawagan na tanggalan na ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Senator Joel Villanueva, dismayado siya sa mga pahayag ni NTF-ELCAC Spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade Jr., kaugnay sa pagkumpara nito sa community pantries sa mansanas ni Satanas.

Kasunod nito ayon kay Villanueva, dapat na ilaan na lamang sa pagbibigay ng ayuda ang nasa P19 billion na pondo ng task force para sa taong kasalukuyan.


Nagpahayag din ng suporta si Senator Win Gatchalian at Senator Nancy Binay.

Samantala, una nang pumalag si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa ginagawang pananakot ng NTF sa organizers ng community pantries.

Ayon kay Belmonte, hindi lamang si Ana Patricia Non ng Maginhawa Community Pantry ang nakaranas ng red-tagging mula sa mga otoridad.

Facebook Comments