Ilang tanggapan ng COMELEC, dinumog!

Apat na araw bago ang deadline ng voters registration, dinumog ang ilang tanggapan ng Commission on Elections sa Metro Manila.

Sa Lungsod ng Maynila, dahil sa dami ng mga bumahabol para magparehistro, inilapat na ng COMELEC ang voters registration sa mga mall.

Bahagya pang nagkagulo sa Robinsons Place Otis nang pansamantalang ipatigil ang pagpapapasok ng mga nagpaparehistro dahil sa dami ng mga nakapila.


Maging sa Parañaque City ay inilipat na rin sa SM Sucat ang pagpaparehistro ng mga taga-District 1.

Bunsod nito, sa interview ng RMN Manila, umapela si 3-term Senator at Antique Lone District Rep. Loren Legarda na palawigin ang voters registration kahit isang linggo lang.

Sa ngayon ay pasado na sa Kamara ang panukalang palawigin ang voters registration habang inaasahang isasalang naman ngayong linggo sa final reading ang kaparehong panukala sa Senado.

Facebook Comments