Limang batayan na nakasaad sa konstitusyon ang nakasaad sa 33-pahinang impeachment complaint na inihain ngayon sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ito ni dating Senator Leila de Lima ng Mamamayang Liberal o ML Party-list na siyang tumatayong spokesperson ng mga naghain ng impeachment complaint.
Ayon kay De lima, kabilang dito ang culpable violation of the constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust and other high crimes.
Sabi ni De Lima, 24 naman ang articles of impeachment, kung saan kasama ang kwestyunableng paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Binanggit din ni De Lima ang pagbabanta ni VP Sara sa Pangulo gayundin ang pagkakasangkot umano nito sa mga extrajudicial killings (EJKs) sa Davao sa panahon na siya ang alkalde ng lungsod.