Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, hindi pa naipadadala sa tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Sabi ni Velasco, nabalitaan nilang mayroon pang panibagong impeachment complaint na ihahain laban sa Ikalawang Pangulo kaya pagsasabayin na lang ang pag-transmit nito sa tanggapan ng house speaker.
Ayon kay Velasco, target nila na sa susunod na linggo ay maisumite na ito sa opisina ni Romualdez, maihain man o hindi ang sinasabing ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara.
Binanggit ni Velasco na ngayon ay pinag-aaralan ng kanilang legal team ang naunang dalawang impeachment complaints laban kay VP Sara.
Facebook Comments