Independent commission para sa flood control scam, iaanunsyo ni PBBM sa loob ng 48 oras

Isasapubliko na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sa loob ng 48 oras ang komposisyon ng independent commission na magsisiyasat sa mga maanomalyang flood control projects.

Sa press conference sa Cambodia, binigyang-diin ng pangulo na kasama sa kaniyang anunsyo ang lawak ng kapangyarihan ng naturang komisyon, alinsunod sa kanilang napagkasunduan.

Samantala, dumistansya naman ang pangulo na magbanggit ng mga pangalan upang maiwasan ang espekulasyon, pero nilinaw niyang hindi mga pulitiko ang magiging bahagi nito upang matiyak ang tunay na pagiging independent ng imbestigasyon.

Sa ngayon, isinasapinal na lamang ang executive order na magiging batayan ng operasyon ng naturang komisyon.

Facebook Comments