Inflation rate noong Pebrero, bumilis pa; Department of Agriculture, sinagot kung bakit tumaas ang presyo ng mga galunggong

Muling tumaas ang inflation rate ng bansa nitong nakalipas na buwan.

Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas sa 4.7 percent ang inflation noong Pebrero na mas mataas kumpara sa 4.2 percent na naitala noong Enero.

Paliwanag ni Dr. Dennis Mapa, National Statistician, ang pagbilis ng inflation rate ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages.


Samantala, sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Noel Reyes kung bakit tumaas ang presyo ng mga Galunggong sa pamilihan.

Ayon kay Reyes, ipinagbawal kasi muna sa mga nakalipas na buwan ang panghuhuli ng mga Galunggong dahil sa tinatawag na “off season” at nito lamang tinanggal ang three-month “no fishing” season.

Facebook Comments