Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mataas na inflation rate para sa buwan ng Hulyo.
Batay sa pagtaya ng BSP, posibleng maglaro sa 5.6 hanggang 6.4% ang July inflation, mas mataas sa naitalang 6.1% na inflation rate noong Hunyo.
Ayon sa BSP, bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, transport hike at paghina ng halaga ng piso.
Sa kabilang banda, posibleng mapababa naman ito dahil sa pagbaba ng presyo ng oil products, singil sa kuryente at ng karneng baboy.
Mababatid na nagpahiwatig si BSP Governor Felipe Medalla na ipagpapatuloy ng ahensya ang mahigpit na monetary policy upang ma-stabilize ang inflation sa bansa.
Facebook Comments