Interest rate hike policy ng US vs inflation, hindi dapat gayahin ng Pilipinas – economist

Hindi dapat gayahin ng Pilipinas ang polisiya ng Amerika na pagtataas ng interest rate upang mapababa ang inflation.

Nabatid na nagpatupad ng interest rate hike ang Amerika para pigilan ang paggasta ng mga mamamayan nito na kalaunan ay magpapababa rin sa presyo ng mga bilihin.

Pero katwiran ng ekonomistang si Prof. Emmanuel Leyco, hindi tayo gaya ng Amerika na maraming pera.


Sa Pilipinas, hindi naman aniya luho kundi pangunahing bilihin ang binibili ng mga tao kaya kapag tumaas ang interest rate ay tataas din ang gastos ng mga producer na ipapasa naman nito sa mga konsyumer.

Samantala, sa kabila ng pagbaba ng presyo ng langis sa world market kasunod ng ipinataw na interest rate hike ng Amerika ay nananatiling mahal ang petrolyo sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagbulusok ng halaga ng piso kontra dolyar.

Facebook Comments