
Nasawi ang isang 52-anyos na ginang habang nasa evacuation center sa kasagsagan ng pananalasa ng habagat sa Quezon City.
Sa naantalang report na inilabas ng QC Health Department, namatay ang biktima noong July 22 sa loob ng Barangay Bagong Pag-asa evacuation center dahil sa cardiopulmonary arrest.
Sa ngayon ay mayroon nang tatlong katao ang naitatalang namatay at dalawa ang missing sa buong QC dulot ng walang humpay na mga pag-ulan.
Kabilang sa mga namatay ang dalawang lalaki sa Barangay Apolonio Samson at Barangay Damayang lagi dahil sa pagkalunod.
Ayon kay City Mayor Joy Belmonte, patuloy ang paghahanap ng mga tauhan ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) sa dalawang nawawala pang menor-de-edad na nagkaka-edad ng siyam at 11-taong gulang para maibalik sa kani-kanilang mga pamilya.









