Naghain ngayon ng reklamo sa Commission on Election (COMELEC) ang isang pribadong indibidwal hinggil sa ilang paglabag ng ilang kumakandidato para sa lokal na posisyon sa lungsod ng Malabon.
Mismong ang complainant na si Emily Sevilla Cano ang nagtungo sa Comelec Law Department para ipasa ang kaniyang sinumpaang salaysay laban kina Jose Lorenzo Oreta, Diosdado Cunanan at Prospero Alfonso Mañalac dahil sa paggamit ng kanilang mga pangalan sa ikinasang aktibidad ng lokal na pamahalaan ng Malabon nitong nakaraang araw.
Sa inihain reklamo ni Ginang Emily na residente ng Brgy. Tonsuya, Malabon.. nagkasa ng Health Caravan ang Malabon Health Department sa Potrero Super Health Center kung saan nakitang nangampaniya so Enzo Oreta kasama ang kaniyang kapartido na Team Pamilyang Malabonian.
Bukod dito, makikita rin ang pangalan ni Enzo Oreta mula sa ecobag, t-shirt ng mga health worker na humarap sa publiko at sa reseta ng mga gamot na ibinigay da pasyente.
Maging sa ipinamigay na pamaypay sa nasabing health caravan ay may makikitang pangalan ni Josephine Veronique Lacson-Noel na kapartido ni Oreta.
Maging sa social media at poster na inilabas ng Malabon LGU hinggil sa health caravan ay makikita rin ang pangalan ni Enzo Oreta at may slogan pa na Kaasenso.
Ayon kay Ginang Emily, malinaw itong psglabag sa Section 261 ng omnibus election code kung saan ipinagbabawal ang pagsali ng mga pampublikong opisyal at mga empleyado sa anumang pangangampaniya sa eleksyon at paggamit ng pampublikong pondo, kagamitan at pasilidad na pag-aari at kontrolado ng gobyerno.
Bukod dito, nilabag rin ang joint circular no. 001 seties of 2016 ng Comelec at Civil ServicecCommission kung saan ipinagbabawal ang psgsusuto ng mgs t-shirt, pin, cap o anumsng katulad na gamit ng mga kandidato ng partido gayundin ang paggamit sa mga tauhan ng gobyerno para sa layuning pampulitika.
Umaasa si Ginang Emily na matutugunan ng Comelec ang kaniyang reklamo lalo na’t ang mga taga-Malabon ang magsa-sakripisyo kung patuloy ang ganitong uri ng iligal na gawain.