IT expert Jerry Liao, nagbabala sa mga botante na maging mapanuri sa social media sa 2022 National Elections

Nagpaalala ang IT expert na si Jerry Liao sa publiko na maging alerto at mapanuri sa mga troll farms at fake news na kumakalat sa social media lalo na ngayong papalapit ang eleksyon.

Ayon kay Liao, dahil sa lawak ng naaabot ng social media ay tiyak na gagamitin ito ng mga politiko para makuha ang boto ng mga tao.

Pero payo niya, matutong mag-research dahil hindi lahat ng nababasa sa social media ay totoo.


“With or without social media kahit naman sa TV, sa radio, sa newspaper, sa pamamagitan ng kanilang mga ads. Isa lang naman ang kanilang layunin dito, ang makuha ang ating mga boto,” paliwanag ni Liao.

“To convince us that they are the right leader for us. Lumakas lang ito dahil nagkaroon tayo ng social media na kung saan andami-daming naabot ‘no, So ganun din, kailangan pa rin tayo maging mapanuri. Totoo ba, tignan natin ang track record ‘no? Wag tayong basta-basta maniniwala sa kung ano ang sinasabi sa kanila, at ‘wag din tayo basta-basta maniniwala doon sa mga nagko-komento kasi yung iba diyan maaaring totoo, o yung mga iba diyan mga naninira,” aniya.

Facebook Comments