Japan, popondohan ang 5 year plan ng MMDA vs. traffic

Popondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni MMDA Spokesperson Melissa Carunungan, magkakaroon ng five year plan ang MMDA at ang Metro Manila mayors para masolusyunan ang pagdami ng mga sasakyan at malaking problema sa trapiko sa Metro Manila.

Mayroong 12 stratehiya ang nakapaloob sa nasabing action plan kung saan uunahin anila rito ang pagsasaayos sa 42 traffic bottlenecks at ang signal systems.


Dagdag pa ni Carunungan, bumuo na ang MMDA ng technical working group para sa single ticketing system na ipapatupad sa buong National Capital Region (NCR).

Layunin ng nasabing action plan na ito ang pagpapaigting sa intelligent transportation system, pagpapatibay ng traffic regulations, enforcement at road safety, active transportation at pag-develop ng comprehensive traffic management database.

Facebook Comments